Yes, mga mothers mapalo, pero not to the point naman na masakit talaga ha. As in mahinang palo lang everytime may mali siyang gagawin. Like for example, bigla na lang siyang mamalo ng ibang tao kapag naiinis siya or hindi niya makuha ang gusto niya.
Hindi ko alam if tama ba ang ginagawa ko pero kasi pag kinakausap ko lang siya nag sosorry lang siya pero paulit-ulit lang niya pa din ginagawa ung sinabi kong hindi magandang gawin niya.
Gusto ko sana maging ok ang weekends namin. Yun tipong hindi ko siya pagagalitan or kung ano pa man. Pero ewan ko ba, siguro i have to learn na pahabain din talaga ang patience ko sa kanya.
Kaloka kaya mga mothers kahapon sa mall, umiyak siya dalhin hindi namin binili ung gusto niyang toys. Haist, nakakahiya talaga na may kasama kang bata na nagwawala. Aarte pa siya na nasusuka kunwari para kaawaan mo siya.
Ako lang ba ang ganito? Anu ba ginagawa niyo mga mothers para mahandle ang pagiging terrible ng mga babies niyo.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento